Carlos Brylle Artates

Top 9, CELE April 2024


Placeholder Image

"From Tres, to Top 3²"

"Hindi ako naging kagalingan most of my college years, lalo na noong dumating yung pandemic tapos nag online class. Naging sobrang tamad ako, mahilig magprocrastinate, and madalang akong pumasok sa mga online classes."

"As a result, naitatawid tawid ko na lang yung mga major subjects ko.. getting "Tres" as grade and being happy about it. Then one time, na-receive ko na yung unang bagsak ko. Doon ko na nasabi sa sarili ko na maling mali ginagawa ko kung gusto ko mang maabot mga pangarap ko. Naging eye opener yung pagbagsak na yun para ipush yung sarili ko to become better and pag-igihan ko yung pag aaral ko."

"I redeemed myself, niretake ko yung bagsak ko and even got 97 as grade, medyo na late man ng ilang buwan, okay na rin yun kasi I proved to myself na kaya ko."

"Last year of college, triny ko na pagbutihin pag-aaral ko. Di man ako nagkaroon ng academic distinction pero I was satisfied with what I was doing and what I have done. During those times, doon na nabuo yung goal na magtopnotcher, dun na ako nagstart magmanifest into becoming one. And here I am today, kasali sa mga topnotchers ng Civil Engineers and I am grateful for everyone involved in my journey."