Jason Salvador Mejia

3rd Placer May 2022 Civil Engineer Licensure Examination
National PICE Quiz Finalist


Placeholder Image
𝓜𝔂 𝓭𝓪𝓲𝓵𝔂 𝓻𝓸𝓾𝓽𝓲𝓷𝓮 3 𝔀𝓮𝓮𝓴𝓼 𝓫𝓮𝓯𝓸𝓻𝓮 𝓮𝔁𝓪𝓶
Gusto ko lang ishare yung mga naging routine ko 3 weeks before exam and also mga tips na rin kung paano makapasa sa nalalapit n November CELE
Goal ko talaga kasi mag top, sabi ko kahit makasabit man lang sa dulo masaya na ako. So kung may target kang goal kahit na feeling mo pagod ka na di ka pa rin susuko. Kapag napapaisip akong sumuko noon, iniiyak ko lang sa kwarto (legit kahit hindi naman talaga ako iyakin). Iisipin ko yung mga rason kung bakit ko ginagawa to, para kanino ba to at ano ba gusto kong marating sa buhay.
Yung mga pinangarap ko lang noon, unti unti ko ng nakakamit ngayon dahil sa hindi ako pinanghinaan ng loob sa buhay kahit na napakaraming challenges at sacrifices.
Intro lang yan haha 🤣
So eto na, 3 weeks before exam mostly practice solve na ako neto ng CE Ref at sympre nagsisiksik na ako ng ibang topics na hindi ganun lalabas sa exam pero may chance na ibigay. So inaaral ko ung topics na hindi naituro sa mga review centers na may chance ibigay,kasi bawat 1 point mahalaga kung gusto mo magtop (kung gipit na kayo sa oras huwag nyo na iapply to). Nag set ako ng schedule kung kelan ako mgbabasa ng mga terms at formulas. Naka organize yan para may sinusundan ako.
2 weeks before exam, kabado na kami noon HAHAHA legit! Pero ako stick pa rin sa ginawa kong schedule. Hindi ko natapos ung CE ref kasi yun nga pinaghandaan ko tlaga si Dr. Dakay nun (MSTE) kasi for sure dito ako mababa which is yun naman. Unpredictable kasi sya mag paexam, the more na malawak tlaga naaral mo the more na marami kang masasagutan. Yung iba na mga terms nabasa ko yung iba madami dun initindi ko nlng word by word. Almost 25 items din yung objectives dun. May maeeliminate ka naman na agad na 2 choices, so may 50% ka ng chance na makuha ung sagot.
So ayon,1 week before sinanay ko na gumising ng mas maaga. 4:00-4:30 am kasi nga sa actual exam maaga ka dapat makapunta sa venue. Ako yung tipong bawat move ko sa buhay pinaplano ko. So kaya Naging active ako ngayon sa socmed kasi nililibang ko lang sarili ko, may iniisip ksi ako na mahirap desisyonan (about sa career, eme lang yan haha) . So ayon, 4:30 gising, maliligo- magluluto ng bfast- at banat na ulit sa pagrereview. Ganito na routine ko bago exam.
Tips ko sa mga gipit na sa oras
Aralin at imemorize nyo na yung mga formulas na nasa index card nyo at magpractice solve sa mga binigay na refresher sets sainyo at CE Ref.
Tips sa actual exam:
3 lapis yung dala ko noon, yung isa pointed ko tinasa ung isa naman pabilog. Ung pointed na lapis yun ang gamit ko sa pagsosolve ( walang extra paper na ibibigay sa actual exam, sa mismong test paper ka na magsolve). Ung pabilog naman na lapis un ung pangshade ko sa answer sheet, para mabilis at hindi mabutas ung papel. Ung isa reserve. So ang ginawa ko noon, sinolve ko muna lahat ng items, sa gilid ng number nilalagay ko muna dun ung sagot, kung anong letter. At pangalawang balik ko na isolve (doble check) binibilugan ko naman yung letter. Naglalaan ako ng 20-15mins para magshade. Sa dulo ako ngshishade. Huwag mo to gayahin kung kabado ka hahaha. Dahil ung proctor ko noon kinabahan sa akin ksi ilang mins na lang natitira wla pa akong nashishade. Yes! Minaximize ko ung oras, huwag nyo pansinin yung mga nagpapasa agad ng papel, kakabahan lang kayo. Relax lang kayo mas mahirap ang mga paexam sa university, malawak lang ung topics kaya nagmumukhang mahirap.
Kung magdadala kayo ng meryenda guys wag yung madumi sa kamay. May chance ksi na madumihan ung papel mo (water and skyflakes lang dala ko noon). At eto pa pla para masecure ko na hindi madudumihan ung ans. Sheet ko nilagay ko un sa table sa gilid ng room, pinaalam ko sa proctor kung pwede. Kinuha ko nlng nung magsheshade na ako. Pwede nyo dn to gawin, lagyan nyo lang ng pabigat pra hindi ihangin. Kung namemental blocked kayo, stop ka muna sa pagsosolve, relax ka muna mga 5 mins at mag pray ka. Prayer is powerful guys, yung ibang item na hindi ako sure bago ko i-shade pinaprepray ko muna na sana tama yung binibilugan ko kasi nga bawat points mahalaga sa akin. Sa lunchbreak naman, kain ka lang yung sapat, huwag subra. Tapos idlip ka unti or magrelax ka bago magstart ulit yung 2nd part. Tpos pray ka ulit 🙏
Night before the actual board exam, iready nyo na yung gamit nyo. Isusuot nyo, NOA, Vaccination card at baon nyo for lunch. Mas okay kung bibili kayo nung transparent na folder ba un, yung may hawakan. Huwag na kayo magdala ng kung anu-ano para iwas abirya. (Isiningit ko lang to)
Guys alam ko yung iba jan nag iisip isip na kung itutuloy nyo pa magtake this Nov. Eto payo ko at inaapply ko rin to sa sarili ko
"Kung ano yung baon mo sa actual exam yun na, huwag mo na sisihin sarili mo kung hindi mo nagamit nang maayos yung time mo during review" anjan ka na eh, anjan na yung exam. Sa buhay naman dalawa lang babagsakan mo. Either panalo o talo. Kung talo, for sure may lesson learned dapat. And kung alam mong nag effort ka naman para magreview diba, so no matter what yung magiging result proud ka dpat sa sarili mo kasi kinaya mo pa ring ipaglaban yung pangarap mo. Sa mga hindi naman tutuloy kasi may ibang plano, goods lang yan. Iisa lang naman babagsakan natin, pare parehas lang dn tayong tatawaging Engineer kahit magkaiba ng timeline.
Maging proud ka sa sarili mo dahil nagpapatuloy ka. Malapit ka na sa pangarap mo, huwag ka sana sumuko.
Kayang kaya nyo yan guys! Sa pasko may engineer na sa pamilya nyo 👷👷❤️❤️
P.s pasensya na kung hindi maayos yung flow, kakagising lang hindi pa nakapg kape haha
Sana nakatulong to😇